Or give a crap about my life. | |
 Kelangan ko pa ba magsulat? Na-explain na lahat ng image na 'yan. Oo nga pala, sa Thursday pa ang pasok ko. Loooooooooong weekend talaga. Haha.  | Kel. | Oct 31, '09 7:35 AM for everyone |
Sabi mo sa akin dati, magkikita pa ulit tayo, nararamdaman mo. Oh eh kanina nga pala habang nasa escalator ka at papaakyat sana sa floor kung nasaan ako ay pababa naman sana ako. Magkakatotoo na sana 'yung sinabi mo pero hindi ko alam kung bakit ako tumalikod at dali-daling lumakad papalayo. Ni hindi nga ako sigurado kung naiwasan nga ba talaga kita o napansin mo ako. Kaya para sa iyo eh sori naman ha? Paano, 1-0? Kei. P.S. Noong October 28 pa dapat ito pero hindi ko agad naipost. Ayoko naman baguhin ang date and time. Huwalalang. At happy halloween pala sa inyo! P.P.S. Happy birthday nga pala sa ermitanyong si Mariano. Salamat sa pahabol birthday greeting mo na halata namang Happy New Year ang nakasulat dati, hahaha. Salamat at haberdey ulit!  | Potek! | Oct 17, '09 1:45 AM for everyone |
Oh eh kamusta naman kayo? Naisipan ko lang mag-update kasi medyo matagal na mula nung huli akong nag-blog. Kung dati wala akong maikwento, ngayon naman super dami kong pwede ikwento kaya nga lang eh wala na akong masyadong time para gawin 'yun. Naks, busy!   Buti na lang naikwento na ni Rem - dito oh.  Nagtatrabaho na pala ako. Dapat thrice a week lang ang pasok, pero ewan ko ba, mula yata nung nag-start ako eh one week ko pa lang nagawa 'yun. Kadalasan ay 5 days ako nasa office minsan nga pati weekends pa! Bakit ba tuwing weekends umii-schedule ang pasok ng bagyo? Lagi 'yan pramis. Onga pala, nalimutan ko na yata kung paano mag-blog. Tingnan niyo itong entry ko. Parang hindi pang-blog. Parang pang-twitter or plurk lang tapos medyo madami ang allowed characters. Eh pasensya na ha? Wala naman yatang nagbabasa nito. Pero kung nabasa mo ito eh maraming salamat sa iyo. Karapat dapat kang iclap clap.  As usual kapag tinatamad akong magkwento eh pupunuin ko na lang ng pictures ito para masaya. May mga matatanda pa din kasi ngayon na parang bata. Mas gusto nila ang binabasa nila kapag may pictures. Believe me, I should know.   Ito 'yung ambulansyang pinagpapraktisan ko ng balancing skills ko. Tina-try kong tumayo habang umaandar ng mabilis 'yan. BALANCE: EXP +10 Ito naman 'yung mga damit na ni-sort namin sa pambata at pang gurang matanda. TUPI SKILLS: +5 Ito naman 'yung nagbigay ng relief goods tapos inayos nila. STRENGTH: EXP +22 lang kasi hindi naman ako nagbuhat dito oh. Haha.  Ahhh ito ito madami akong madadagdag na EXP dito oh! RESISTANCE TO PUTIK: EXP +100Alam mo ba? Pwede mong i-click 'yung mga text na kulay pula para mapunta ka sa Multiply site ko at makita mo 'yung mga pictures? Go na, sos. --- Oo nga pala. Malapit na akong mag-birthday. Palimos ng picture birthday greeting ha? Merong sample dito. Salamat.  Nakakatamad talaga magkwento lalo na kapag wala ka naman talaga makwento. Kaya naman meron ulit akong bagong tumblr account. What the? Tamad magkwento pero may bagong blog? Pakialam mo? Eh hindi naman ako nagkukwento doon. Tingnan mo pa...  | Mugg'd. | Jul 19, '09 9:02 AM for everyone |
Kamukha ko ba? No? Kthxbye.  Pwede mo akong igawa ng Mugg na kamukha ko! Edit mo, punta ka lang dito oh.  --- Sa last blog entry ko, sabi ko ang comment mo malamang ay, "Ahhh okay." *sabay smile* 'di ba? This time hindi ka na talaga magko-comment kasi pupunta ka na lang sa site at iiwan mo itong blog ko. Hmpft. Fine fine, go ahead. Chos!  Wala ngang bago dito kahit maghintay ka pa kasi tinatamad akong mag-blog. Besides, wala namang nangyayaring kakaiba sa akin. Nasa Plurk lang ako like forever. At kung may bagong pictures naman, nasa Multiply. Update? Hindi ito 'yun. Ito 'yung blog entry na pwede kang mag-comment ng, "Ahhh okay." *sabay smile* tapos maghahanap ka ng ibang mapupuntahan. Oh eh di sa tumblr ko na lang ikaw pumunta. Oha oha! Segue! Haha. Doon may update, madami. Almost everyday. Wala pala akong blog entry noong June 12, hindi ko man lang na-express ang aking pagiging pinoy. At dahil d'yan, meron akong pahabol blog entry...   T.M.I. indeed.  --- Nakita ko ito sa uhm, sino nga ba nagpakita sa akin nito? Ikaw? Oo salamat. Haha. Seryoso, hindi ko matandaan kung sino nagpakita nito sa akin. --- Walang pakialamanan kung sa blogger ko ito ire-reblog at hindi sa tumblr. Kk.  Oh, and speaking of tumblr (oha, segue), meron kasing tumblr theme for the week, look. This made me LOL. http://marianojuancho.tumblr.com/ ...may tumblr na ako.  Para sa pagiging tambay ko ulit. Para sa peer pressure. Para sa... wala lang.  | Sup? | Apr 17, '09 2:15 PM for everyone |
Paguwi ko ng bahay kagabi at around 9pm...
Kenneth: Oy! Sup bitch? Me: Sup brother! Kenneth: Ayyy. Bakit boses bading ka? Me: ...  --- Check this out!  Instructions: (a) Write who tagged you. (b) Answer the following questions:
(b1) Your name/username/pseudo. (b2) Right-handed or left-handed? (b3) Your favorite letters to write. (b4) You least favorite letters to write. (b5) Write: The quick brown fox jumps over the lazy dog.
(c) Tag five other people. Doc Ced, pwede na 'yan ha. Huwag ka nang maarte d'yan. Maraming salamat sa pag-tag sa akin, binigyan mo ng laman ang blog ko. Hahaha. Wala kasi akong maisip ikwento. Oha oha, first time na wala akong maisip ikwento. Ahihihi.  --- Salamat at may Holy Week. Limang araw akong makakapaginternet. Ah, good times, good times. buhay pa ako. Ok? Ok.  So feeling niyo naman dahil matagal na akong nawala eh mahaba na ang kwento ko? Pwes! Tama kayo! Tamang tama. Maarte ako. Alam niyo na 'yun? Mabuti naman. Katulad na lang na meron namang computer shop pagkababang-pagkababa ng dorm ko eh hindi pa din ako pumupunta doon para lang maginternet. Kapag nasa bahay lang ako online. Hahaha. Ayoko sa internet cafes, ang daming JJs. Unti-unti nang nagiging paulit-ulit ang buhay ko. Alam mo 'yung ganung feeling? Bagong araw pero 'yun pa din ginagawa mo, like crazy. Apat kaming magkakasama sa dorm - ako, si Ariane, si Nikki, at si Nella. Wala naman, na-share ko lang, hahaha. Syempre kasama sa kwento kaya kelangan kilala niyo sila, diba? Gigising ako ng 6am, maliligo. After kong maligo, gigisingin ko si Nikki, then maliligo siya, magbibihis ako. After maligo ni Nikki, gigisingin niya si Nella, maliligo si Nella, magbibihis si Nikki. After maligo ni Nella, magbibihis siya tapos handa na ang breakfast. Ano ang breakfast? Sos! Eh di kapnudels or yakisoba. Puchang 'yan. Kung inipon siguro namin 'yung mga cups na napagkainan namin makagagawa na kami nung mga lantern na gawa sa basura. Makagagawa kami ng ganun. Malaking-malaki at bonggang bongga, I tell you. Oh, so aalis kami ng dorm at bago mag-8am tapos maglalakad kami. Tatawid ng kalye. Pagtawid ng kalye, may Ministop. Bibili ng kape at papasok. 8am sakto simula ang class. Pagdating ng 10am, mayroong 15 minute break. Pagdating ng 12nn may 1 hour break. Pagdating ng 3pm may 15 minute break. Then 5pm natatapos ang class ko. Uuwi, magdidinner. Maliligo, magsasagot ng take-home exams. Matutulog at around 2am (latest na tulog ko na 'yan) tapos ganun ulit. Kaya nga kahit isang araw lang ang off ko naisipan kong umuwi. Bakit? Kasi namimis ko na si Mely at ang kapatid ko? Well, oo pero ang reason talaga eh wala lang para maiba lang. Para hindi maging katulad nung araw ko kahapon ang araw ko ngayon. Tsaka kapag nasa bahay ako nakakapaginternet ako ng maayos. Hahaha. Tsaka kapag umuuwi naman ako eh wala ding tao sa bahay. Parang umuwi lang ako para makapaginternet. Haha. Tapos ang pangit ng schedule ko pramis. Nung first week kasi Saturday at Sunday ang off ko then nagkataon pa na wala akong pasok ng Friday. So three days akong free. Tapos ngayong sumunod na week, may class ako ng Monday to Saturday pero off ako ng Wednesday at ngayon nga, Friday. Oh diba. Hindi man lang pinagdikit 'yung dalawang araw. Tsk. Hindi naman regular ang off pero pucha 'yung sa schedule ganun halos lahat eh, hindi magkakadikit ang off. Andaldal ko na naman pala. Oh sori na ha? --- Dapat sana magpopost lang ako ng picture dito parang ganito... Kaya lang sori naman napadaldal na ako. --- Gusto ko lang sabihin na totoo ang chismis na mabango si Kirk, hahaha. At sori, alam kong hindi naman ako ang dahilan kung bakit nawala ang wallet mo pero ang lungkot kasi, perstaym natin nagkita eh nawala pa. Tapos nung kumain tayo sa may Intra eh nawala naman ang ID mo, sori. Mura lang naman 'yan. P400 lang, ano? Uhm, ok. Hahaha. --- Simula ngayon sisikapin kong mag-update every weekend para hindi ako natatambakan ng kwento. Nahihiya nako sa kadaldalan ko, pramis. Hanggang sa muli, paalam! *in a Kuya Bodjie tone*     Dear blog, Maiwan muna kita sandali ah. D'yan ka lang. Doon muna ako. Pramis mamimis kita. Isa pang mamimis ko? Si Sushi. Okay lang naman na hindi tumaas ang level niya sa Pet Society, kaya lang, walang mag-aalaga sa kanya. Nakakahiya naman kasi kapag may ibang pets na bumisita sa bahay niya tapos iha-hug siya tapos nilalangaw na siya kasi hindi siya nakakaligo. Nakakahiya, ang landi landi tapos mabaho. Tsk. Tingnan niyo oh, ang cute niya, may ribbon sa ulo tapos 'yung damit niya? Brown paper bag 'yan! Parang kagagaling lang sa grocery. Fashion! Hahaha. Ang cute niya ano? Nasabi ko na pala 'yun. Sa Fashion Wars ok lang pabayaan kasi may binili akong properties doon, isang Miami Beach House at isang Italian Villa. Kumikita sila ng $67,000 every 60 minutes kaya ang yaman ko na doon, pero forever level 10 na lang yata ako. Tapos andaming naghahamon na hindi ko kilala, makikita ko na lang sa notification na nabawasan ang pera ko. Bitches! Sana pwede na lang ilipat kay Sushi ang pera sa Fashion Wars. Ampangit ng bahay niya eh. Sadness. Poorness. Isa pa, 'yung Plurk ko? Mataas na karma ko dun eh. Third month pa lang niya ngayon pero 67.60 na ang karma. Oo, araw-araw ka ba namang online eh, ewan ko na lang. Makapag-aral kung paano gumawa ng bot sa Plurk. Magpopost ng nonsense syempre magrereply pa din ang contacts ko. Hahahaha. Sabagay wala namang sense talaga mga pinopost ko doon eh, walang pinagkaiba. Hahaha. Teka may phPlurk nga pala. Paano ba 'yun? Ang dami kong online accounts no? Facebook at Plurk pa lang 'yan.  Oh eh 'yun ngaaa. Mawawala ako. Paano na si Sushi at ang karma? Haha. 'Yun talaga inalala ko. Hahaha. What a loser. Ito na ang sagot sa mga laging nagtatanong na: bakit ka ba laging online? O kaya naman sa nagsasabing sos, ikaw na naman. Ayan na, ayan na. Yiheee, painom kayo hindi na ako online araw-araw. [offtopic] Gusto ko lang i-share na ayoko ng spammers. CLICK. [/offtopic] Alam ko naman hindi niyo ako mamimis, pero si Mely mamimis niyo... Kagabi kasi pumunta dito sa bahay 'yung anak kong si Charm (oo may anak na ako, yeah yeah), nagdala ng food. Tapos tinanong niya ang mommy ko: Charm: Tita, binigyan po ba kayo ni tito ng flowers nung Valentine's? Ermats: Oo naman, may chocolates pa. Charm: Wow, ang sweet. Me: Ang landi, parang dalaga. Ermats: Lokaloka. Tapos kanina, oo kanina lang talaga... Me: Ano bang meron sa boypren mo? Ermats: Nilalagnat 'yan kagabi pa. Me: Sos, namimis ka lang n'yan, alagaan mo daw siya. Ermats: Ahahaha, baliw. Me: Yiheee, kinilig! Ermats: Lokaloka! Ang sweet ni Mely. Parang hindi nanay.  --- Alam mo bang kaya kong dumaldal ng dumaldal tungkol sa kahit ano? Oo, ang dami ko na nga nasabi oh. Pwede na akong hindi mag-update ng isa, dalawa, o tatlong buwan. Kthxbye. Ang haba ng title?  Parang hindi naman kasi makatotohanan ang Facebook madness kung walang update. Naalala niyo 'yung sabi ko na 'yung pwet na ni Patrick Star ang pinaka-ok sa lahat ng drawing ko? Well, tingnan niyo nga naman ito... Wrong spelling pala 'yung chili - double L. Haha. Ngayon ko lang napansin, syempre hindi ko na uulitin 'yan kahit magkamatayan tayo. At, kasi may nagreklamo sa previous blog entry ko kung bakit daw hindi kasama ang drawing niya, so 'eto: Drawing ni Kirk ng http://kirksays.blogspot.com  Madami siyang magandang works, nasa latest entry niya. Paki-click na lang ang link. Salamat. Hoy Kirk, siguro naman eh nakabawi na ako sa'yo no? Hindi pa din? Eh sori na lang. Huwag na natin pag-usapan ang kwento kung bakit ganyan ang drawing niya ha? Nakakaloko kasi eh. Pero in fairness, maganda ang drawing niya, may effort ang mga damuhan, at 'yung halaman? Okay, huwag na natin pag-usapan. Sige, mabuti naman. Ano kamo? Kaa-update ko lang nung Lunes? Miyerkules lang ngayon? Oh eh ano naman ngayon? Pft. Dear blog, Hello, this is an update. Uhm, pwede magkwento? Okay. Naaadik na ako sa Facebook. Hahaha. Ang dami ko na kasing contact tapos medyo madami na din akong kinalolokohang apps tulad ng Fashion Wars, Vampire Wars, at Pet Society. Kagagawa ko lang ng pet kahapon kasi itong friend ko pinilit ako, ayan wala na adik na ako. Meet Spark. Say hellooo.  Huwag daw kayo maingay, nanonood siya ng tv. Ang landi niya no? Nakadress 'yan. Tapos kapag tatawa siya ang sound: ahihihi. Hahaha. Walang wala sa akin, walang poise tumawa. Syempre ang kapal ng mukha kong magpost ng screenshot ng bahay ni Spark, ang poorita pa niya. Haha. Wala man lang kahit anong design sa bahay niya. Kailangan ko magpayaman. Dapat nga hindi na ako nagbloblog at naglalaro na lang ako ng Pet Society. Oh well, isa pang kinalolokohan ko ng madaming bloggers ay ay Grafitti app. Syempre hindi niyo na naman kailangan ipaalala sa akin na ang kapal ng mukha ko na mag-post nitong gawa ko dito pero blog ko ito kaya magbasa lang kayo d'yan. Sa lahat ng drawings ko, 'yan na yata ang pinakamaayos. Maayos na 'yan.  'Eto naman ang dalawang drawings na pinakanatuwa ako. Haha. Well, maganda naman lahaaat pramis talaga. Kaya lang ako natuwa dito kasi umaga, nagbukas ako ng Facebook tapos 'yang dalawang grafitti na 'yan ang nakita ko. Breakfast? Ipagpaumanhin niyo na 'yung text doon sa isang drawing. 
Pinipigilan ko lang talaga ang sarili mo i-post lahat ng drawing nila sa akin dito. Hahaha. Isa na lang, ha? Ang husay kasi eh. Ni-draw ito ni Lavinia para kay FB! Maria Ozawa. Maria Ozawa.  P.S. (Pahabol Shit) Si Lavinia ang pinakamagaling mag-draw doon. At oo, ako ang pinakawalang kwenta. Hahaha. Dalawang beses kelangan banggitin ang name ni Lavinia Kasi magkaiba 'yung link.  | Mely. | Feb 23, '09 2:33 AM for everyone |
Kahapon, nasa labas ako ng bahay karga-karga ang pinsan ko nang biglang dumaan ang lola ko (well, hindi ko talaga lola, kapatid ng lola ko, oh well, lola pa din, okay nanlilito lang ako). Lola: Hija, 'yung mga kasabay mo may mga anak na kasinglaki na n'yan. Me: Opo nga. Haha. Lola: Ayaw mo pa ba makipagsabayan sa kanila? Me: Lola naman! Huwag kayo mainip, maabutan ko din sila, haha. Lola: Wala ka pang boypren? Me: Wala po. May ibibigay po ba kayo sa aking lalake? Lola: Hahaha, wala eh. Biglang sumingit ang nanay ko. Ermats: Magpapayaman daw 'yan para kapag matanda na siya at wala pa siyang boypren, bibili siya ng lalake. Me: ...  --- Ang daldal ng nanay ko. Oo, hindi ko naman pinagkakaila na sinasabi ko sa kanya minsan medyo madaming beses na na - My, kapag nagtrabaho na ako hindi kita bibigyan ng pera ha. Tapos bibigyan mo pa din ako ng baon, papakainin, parang pumapasok pa din ako sa school, kasi magpapayaman ako, bibili ako ng lalaki - PERO sana hindi niya sinasabi sa mga kamag-anak namin, 'diba. Sinong madaldal? *turo sa title*  | Oha oha. | Feb 14, '09 12:10 PM for everyone |
[happiness] HAPPY P DAY!  Well, usually P Day stands for Puke Day... inuman. Ok? Puke. Pero today kahapon, pinalitan muna ang P ng Puso... Puso Day! Yiheee!
OMG! YOU SENT FLOWERS? PAKASAL NA TAYO!- Meryl --- Happy birthday sa aking BFF na si Lavinia!  Alam ko 14 pa lang d'yan pero 15 na naman dito, so pwede na. Haha. Aylabyu. Beso beso! [errr, walang close tag, okay]
| |